Posts

Showing posts from October, 2018
Image
(Mga larawan ng mga bangko sa paligid ng Unibersidad ng Santo Tomas) Sa kasulukuyan, mapapansin natin na Ingles pa rin ang opisyal na wikang ginagamit sa larangan ng komersyo gaya sa pagbabangko sa Pilipinas. Ang mga dokumento gaya ng mga kontrata at kasunduan ay nasusulat sa Ingles at gayon din namang Ingles ang midyum na ginagamit sa mga opisyal na transaksyon. Dahil sa sitwasyong ito, tila naisasantabi ang paggamit ng wikang Filipino na siyang nagiging hadlang sa ganap na inteletuwalisasyon nito. Ngunit paano nga ba maituturing na intelektuwalisado ang wika? Napag-aralan namin sa aming kursong Filipino na ayon kay Sibayan (1999), masasabing intelektuwalisado ang wika kung ito ay hindi lamang sinasalita, bagkus ay nasusulat din. Kung ito ay nasusulat, ito dapat ay nakatutulong na magbigay at magpalago ng kaalaman ng mambabasa.   Sa gayon, masasabi nga bang intelektuwalisado na ang wikang Filipino sa mundo ng komersyo partikular na sa industriy...