(Mga larawan ng mga bangko sa paligid ng Unibersidad ng Santo Tomas)
Sa kasulukuyan, mapapansin natin na Ingles pa rin
ang opisyal na wikang ginagamit sa larangan ng komersyo gaya sa pagbabangko sa
Pilipinas. Ang mga dokumento gaya ng mga kontrata at kasunduan ay nasusulat sa
Ingles at gayon din namang Ingles ang midyum na ginagamit sa mga opisyal na
transaksyon. Dahil sa sitwasyong ito, tila naisasantabi ang paggamit ng wikang
Filipino na siyang nagiging hadlang sa ganap na inteletuwalisasyon nito.
Ngunit paano nga ba maituturing na intelektuwalisado
ang wika?
Napag-aralan namin sa aming kursong Filipino na ayon
kay Sibayan (1999), masasabing intelektuwalisado ang wika kung ito ay hindi
lamang sinasalita, bagkus ay nasusulat din. Kung ito ay nasusulat, ito dapat ay
nakatutulong na magbigay at magpalago ng kaalaman ng mambabasa.
Sa gayon, masasabi nga bang
intelektuwalisado na ang wikang Filipino sa mundo ng komersyo partikular na sa
industriya ng pagbabangko kung ang mga materyal at dokumentong ginagamit ay pawang
nasa Ingles?
MGA KAUGNAY NA SALIKSIK
Sa kasulukuyan, mapapansin natin na Ingles pa rin ang opisyal na wikang ginagamit sa larangan ng komersyo gaya sa pagbabangko sa Pilipinas. Ang mga dokumento gaya ng mga kontrata at kasunduan ay nasusulat sa Ingles at gayon din namang Ingles ang midyum na ginagamit sa mga opisyal na transaksyon. Dahil sa sitwasyong ito, tila naisasantabi ang paggamit ng wikang Filipino na siyang nagiging hadlang sa ganap na inteletuwalisasyon nito.
Ngunit paano nga ba maituturing na intelektuwalisado ang wika?Napag-aralan namin sa aming kursong Filipino na ayon kay Sibayan (1999), masasabing intelektuwalisado ang wika kung ito ay hindi lamang sinasalita, bagkus ay nasusulat din. Kung ito ay nasusulat, ito dapat ay nakatutulong na magbigay at magpalago ng kaalaman ng mambabasa.
Sa gayon, masasabi nga bang intelektuwalisado na ang wikang Filipino sa mundo ng komersyo partikular na sa industriya ng pagbabangko kung ang mga materyal at dokumentong ginagamit ay pawang nasa Ingles?
MGA KAUGNAY NA SALIKSIK
Ayon sa isang artikulo na nailimbag sa The Varsitarian (ang opisyal na pahayagan ng Unibersidad ng Santo Tomas) na tumatalakay sa isang naganap na pulong noong Agosto 18, 2011 sa UST AMV-College of Accountancy hinggil sa papel ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng ekonomiya, nabaggit na ang pagpapaunlad ng sariling wika ay may direktang epekto at kontribusyon sa ekonomiya ng bansa. Binigyang-diin din ni Santos (2011) sa artikulong ito ang mga naging pahayag ng mga mananalita sa naganap na pulong. Ayon umano kay G. Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng Ekonomiks noong panahon na iyon sa De La Salle University:
“Ang wika ay isang pamamaraan ng paggawa ng transaksiyon. Dito, hindi tayo makagagawa ng kahit anong transaksiyon kung hindi tayo magkakaintindihan dahil lahat ng nangyayari sa ating ekonomiya ay nakabase sa ating pagkakaintindihan. Kung papansinin naman talaga natin, ang programang pang-ekonomiko pati ang mga batas ay nakalimbag at nakasalin sa Ingles.”Dagdag pa rito, ayon din sa artikulo ay ibinahagi rin ni G. Cabuhay na ang Ingles at Filipino ay hindi magkaaway na wika. Datapwat, ang dalawang wikang ito ay marapat na magkatulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Sa aming pag-oobserba sa paligid, aming napuna na ang mga flyers sa mga bangko sa Pilipinas gaya ng Bank of the Philippine Islands (BPI), Metrobank, at iba pa kabilang na ang iba pa nilang materyal para sa publiko na may layong magbigay ng impormasyon ay pawang nasa Ingles. Naisip ng aming grupo na ito ay potensyal na suliranin sa ating lipunan na hindi gaanong nabibigyan ng pansin. Bagamat ang mga flyers ay maaaring impormatibo o mapanghikayat, tila natutugunan naman nito ang layuning maging “mapanghikayat” sapagkat napansin namin na may mga salitang nasa Filipino rin naman sa ibang mga parte ng flyers na nang-eengganyo. Sa sitwasyong tulad nito, tila ginagamit lamang ang wikang Filipino upang makuha ang atensyon ng taong nagbabasa nito. Kapag tiningnan na ang ibang nilalaman, doon na makikita ang mga teknikal na terminolohiya na sa tingin namin ay hindi lubusang naiintindihan ng mga Pilipinong hindi bihasa sa Ingles. (Isinulat ni: Sophia Olalia)
(Mga halimbawang flyers na aming nakuha mula sa mga bangko gaya ng BPI at Metrobank.)
MGA KAUGNAY NA SALIKSIK
Ayon sa blog nina Baño, Egrubay at Macuha (2015), malaking bahagdan ng populasyon ng Pilipinas ang hindi gaanong sanay gumamit o nakauunawa ng wikang banyaga. Nabanggit din sa kanilang blog na ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS), tinatayang tatlo na lamang sa 10 Pilipino ang bihasa at pumipili na magsalita ng Ingles. Kaya naman ayon sa kanila, nararapat na bigyang-pansin ang paggamit ng wikang Filipino maging sa laragan ng pagnenegosyo at komersyo.

Kaugnay nito, kung ang mga flyers ng mga bangko ay nasusulat sa Ingles at may mga malalalim na terminolohiya, natutugunan kaya ng mga materyal na ito ang layunin na magbigay-impormasyon o kaalaman?
Ang mga materyal bang ito ay naiintindihan ng isang pangkaraniwang Pilipino na walang sapat na kaalaman sa mga rejister na ginagamit sa domeyn ng pagbabangko?
Upang masagot ang mga katunangan naming ito hinggil sa napili naming suliranin, nakipanayam kami sa ilang mga Pilipinong may karanasan sa pagbabangko at tinanong namin ang kanilang opinyon at saloobin hinggil sa mga flyers ng mga bangko na pawang nasa Ingles. Matatalakay sa mga susunod na talata ang aming naging pakikipanayam sa mga piling indibidwal. (Isinulat ni: Sophia Olalia)
(Pakikipanayam sa isang negosyanteng aming kakikila sa Dapitan St. Ang larawan na ito ay kinunan sa pagmamay-ari niyang dormitoryo.)
Ang una naming nakpanayam ay isang negosyante na nagmamay-ari ng isang laundry shop at nagpaparenta ng mga dormitoryo sa paligid ng Unibersidad ng Santo Tomas. Isinalaysay niya sa amin ang kanyang mga karanasan sa pagbabangko noong siya ay nagsimulang magnegosyo. Una niyang ibinahagi na siya ay humiram noon ng pera sa bangko upang magamit niya bilang kapital o puhunan sa ipatatayo niyang laundry shop. Idinagdag din niya na kapag siya ay nasa bangko, marami siyang nababasang mga salita ukol sa paghiram ng pera na hindi niya lubusang nauunawaan. Dahil dito, noong panahong hihiram siya ng pera o “mag-loloan” sa bangko ay nagkaroon siya ng suliranin na intindihin ang mga panuto at mga terminolohiya na kailangang mapunan upang maisakatuparan ang paghiram ng pera.
Ngunit sa tulong ng mga empleyado ng bangko, naliwanagang siya at nagkaroon ng kaunting kaalaman ukol sa mga terminolohiyang nabasa niya sa mga flyers. Subalit nabanggit din niya sa amin na ang kanyang pagkausap sa kinatawan ng bangko ay talagang kulang pa upang maintindihan niya ang proseso nang buo at lubusan. Matapos ang ilang buwan, dahil sa hindi nya lubusang pagkaka-unawa sa nangyaring transaksyon, nagkaroon siya ng malaking suliranin hinggil sa naging loan niya. Sa hindi inaasahang palad, nagbunga ito ng malaking interes na hindi niya alam kung paanong nangyari. Sa simpleng hindi niya pagkaka-unawa ng mga salita ay nagkaroon siya ng dagdag gastos imbis na ito ay nagsilbing kita na niya sa kanyang negosyo. Ayon pa sa kanya, ang sitwasyong ito ang isa sa mga naging rason kung bakit nagkaroon siya ng problema noon sa pag-iimpok, sapagkat sa halip na makapag-ipon ay nadagdagan pa siya ng gastos na bayarin sa bangko. Bilang huling katanungan, hiningi namin ang kanyang opinyon kung mas maiintindihan niya ba ang mga rejister na nasa larangan ng pagtutuos at pagbabangko kung ito ay nasa wikang Filipino. Ang kanyang tugon ay malaking tulong kung isasalin ito sa wikang Filipino sapagkat ito naman ang ginagamit na wika ng mga empleyado sa bangko upang ipaliwanag ang mga salitang hindi siya pamilyar. Sa tingin niya ay mas magiging epektibo sa pag-unawa ng mga gaya niyang kliyente ng bangko kung ang mga nasusulat na salita ay may pagpapaliwanang din sa wikang Filipino. Bukod dito, nasambit din niya na wala namang problema kung may mga terminolohiyang nasa Ingles lalo na kung ito ay walang tuwirang salin, ngunit sana ay may kaakibat na pagpapaliwanag ito na nasa Filipino. (Isinulat ni: Justine Kyla Ang, Jose Erwin Esguerra, at John Paul Lim)

(Ang aming pakikipanayam kay Ginoong Rustom Gutierrez ukol sa kanyang karanasan sa pakikipagtransaksiyon sa bangko.)
Isa pa sa mga nakapanayam namin ay si Ginoong Rustom Gutierrez, isang boluntaryo sa World Collegiate Association for the Research of Principles - Philippines. Sa aming paglalakad-lakad sa paligid ng UST upang makahanap ng makakapanayam, nagkataon na nilapitan kami ni G. Gutierrez upang mag-alok ng kaniyang mga paninda para sa isinasagawa nilang fund raising sa kanilang organisasyon. Kaya naman, nakita na rin namin ito bilang oportunidad na makapanayam siya upang makuha ang kanyang opinyon at mga karanasan kaugnay sa napili naming suliranin.
Bago namin sinimulan ang aming pakikipagpanayam ay amin munang hiningi ang kanyang konsento kung maaari ba siyang makibahagi sa aming ginagawang proyekto. Siya naman ay agad na sumang-ayon at nagbigay pahintulot na maaari siyang kuhanan ng larawan at gayon din sa pag-banggit ng kanyang pangalan at iba pang impormasyon para sa blog na ito.
Sa aming pakikipanayam, tinanong muna namin siya kung siya ba ay may karansan sa pagbabangko. Sinabi naman niya sa amin na siya ay mayroong bank account sa Land Bank of the Philippines (LBP) gayon din naman sa Bank of the Philippine Islands (BPI) ngunit hindi na aktibo sa kasalukuyan ang kanyang account sa BPI. Kaugnay nito, tinanong naman namin siya ukol sa kanyang naging karanasan sa unang pagkakataon na sya ay nagbukas ng isnag bank account. Bilang tugon, ibinahagi niya na siya ay tinulungan ng teller ng bangko upang maintindihan at malaman kung ano ang dapat niyang gawin na nakatulong upang maging mas madali ang kanyang pag-aasikaso at ang naging kabuuang proseso. Pagkatapos, itinanong naman namin sa kanya kung nagkaroon na ba siya ng suliranin sa pagbabasa at pag-unawa ng mga nilalaman ng mga flyers at iba pang impormatibong materyal sa bangko. Sinabi niya na siya ay bahagyang nakaranas ng suliranin sa pag-unawa ng nilalaman ng mga materyal sapagkat wala siyang sapat na kaalaman lalong higit sa mga rejister sa larangan ng pagtutuos at pagbabangko. Sa kanyang karanasan, maraming mga terminolohiya na hindi niya gaanong maunawaan lalo na iyong mga unang beses pa lang niya mabasa. Sinabi din niya sa amin na naliwanagan lamang siya sa tulong ng pakikipag-usap at pagtatanong niya sa kinatawan ng bangkong iyon. Samantala, bilang pang huling katanungan ay hiningi rin namin ang kanyang opinyon kung ano nga ba ang mas epektibo at angkop sa kanyang personal na kagustuhan tungkol sa pag-unawa ng mga hakbang o panuto: ang pagbabasa ng mga flyers o ang berbal na pagtatanong sa kinatawan ng bangko? Wala siyang pag-aalinlangan na sumagot na mas nauunawaan niya ang mga ispesipikong panuto kapag ito ay naipapaliwanag sa paraang berbal at kaswal sa wikang Filipino sapagkat ang wikang ito ang kanyang nakasanayan at mas nauunawaan. Sa pamamagitan din ng pasalitang paraan ay malaya siyang nakapagtatanong sa kinatawan ng bangko kung anu-ano ang mga bagay na hindi nya lubusang naunawaan. Kung gayon, sa sitwasyon ni G. Gutierrez ay talagang mapupuna ang suliraning aming napili. (Isinulat ni: Kaye Grimaldo, Kaila Lopez, at Sophia Olalia)
(Pakikipanayam ni Kaila Lopez sa may-ari ng isang kainan sa kalye Asturias sa Dapitan ukol sa kanyang karanasan sa pangungutang o "pag-loloan" sa bangko.)
Ang ikatlo naman naming
nakapanayam ay ang may-ari ng isang kainan sa Asturias St. sa Dapitan. Siya ay
pumayag na kuhanan ng litrato ngunit hindi na niya ibinigay ang kanyang
pangalan. Para sa kanyang karanasan naman, siya ay nakasubok na rin ng
pagbubukas ng isang savings account
sa bangko at nakapag-loan na din siya
sa bangko para sa isang sasakyan. Ayon sa kanyang pagsasalaysay ay hindi siya
ganon nahirapan sa mga ibang terminolohiya noong humiram siya ng pera sa bangko.
Ngunit mas na-engganyo siya umutang para sa sasakyan dahil sa isang “sales representative.” Sa tulong ng
taong ito ay mas napadali raw ang kanyang pagdedesisyon kung bibilhin ang
sasakyan at kung mangungutang sa bangko dahil nakakapagtanong siya agad dahil wikang
Filipino ang kanilang ginagamit sapagkat doon sila mas komportable. Pinapili din namin siya kung ano ang mas nais niya kung siya ay magdedesisyon sa pag-utang sa bangko, kung ito ba ay ang mga panuto sa mga impormatibong sulatin na nasa wikang Ingles o sa paraang berbal sa pamamagitan ng pakikipag-diskurso sa ang isang kinatawan ng bangko? Ang kanyang tugon ay maaaring parehas dahil mayroon naman din siyang bahagyang kaalaman at nakakaintindi naman sya ng wikang Ingles ngunit nabanggit niya na maganda rin talaga kung may dagdag itong impormasyon na manggagaling sa isang kinatawan ng bangko. Ngunit para sa kanya, nainiwala siyang mas magiging epektibo kung may nasusulat din na mga materyal na nasa wikang Filipino para na rin sa mga pang-karaiwang Pilipino na wala gaanong kaalaman sa mga malalalim na terminolohiya. Binaggit din niya ang halimbawang brochure ng mga bangko na ukol sa “Frequently Asked Questions (FAQs).” Aniya ay mas magiging mainam kung ito ay mayroon ring nasusulat sa Filipino sapagkat kung ang layon nito ay mabigyang-kasagutan sa mga katanungan ng mga nagbabangko, mas mainam kung mayroong nasa lenggwaheng mas nauunawaan nila. (Isinulat ni: Kaila Lopez)
Sa tatlong mga indibidwal
na aming nakapanayam, magkakapareho ang mga suliranin na kanilang hinarap
patungkol sa karanasan nila sa pagbabangko. Silang tatlo ay pawang nahirapan sa
pag-unawa sa mga rejister sa nasabing larangan. Magkakatulad din ang kanilang naging
tugon ukol sa katanungan namin kung ano ba ang mas epektibo at angkop sa
kanilang kagustuhan upang maunawaan ang mga panuto o hakbang sa pagbubukas ng savings
account o maging sa pag-aapply
ng loan. Ang kanilang sagot ay mas nais nila ang paraang berbal sa
tulong ng mga empleyado o kinatawan ng bangko sapagkat mas naipaliliwanag
sa kanila nang mabuti ang mga jargons na hindi nila lubos na maunawaan
sa mga nakasulat na materyal. Dagdag pa rito, hindi nalilimita ang impormasyon
na kanilang nalalaman kumpara sa pagbabasa ng mga flyers dahil
nakakapagtanong-tanong pa sila sa empleyado at natutulungan silang
makapag-desisyon kung ano nga ba ang mas mainam na gawin o opsyon.
Base sa kanilang mga naging karanasan, masasabing maaaring maging postibo o negatibo ang pagtulong ng teller o sales representative sa pagpapaliwanag o pagtulong sa desisyon ng mga indibidwal sapagkat kahit papaano ay nahahaluan ito ng biases ng nagsasalita sapagkat magkaka-iba tayo ng mga gusto at paniniwala. Madalas ay nakatutulong ang mga nasabing kinatawan ng bangko ngunit may iilan na lalong nakakasama at nagiging dahilan ng paglaki ng utang o kawalan ng kita (ayon sa unang indibidwal na aming nakapanayam). (Isinulat ni: Kaye Grimaldo)

Ngunit, bagamat sila ay pawang
nahirapan intindihin ang nilalaman ng mga flyers
o anumang nakasulat na materyal, hindi natin sila masisisi sapagkat hindi
naman sila direktang kabilang sa domeyn ng pagbabangko. Dagdag pa, ang
kinagisnan at primarya nilang wika ay Filipino kaya’t normal lamang na hindi
nila gaanong maintindihan ang mga rejister ng bangko na nakasalin sa Ingles.
Bukod pa dito, sa tingin namin, ang suliranin ay nasa mga materyal talaga sapagkat
base sa mga karanasan ng mga indibidwal na aming nakapanayam ay hindi naman
natutugunan nito ang layuning magbigay ng kaalaman.
Kung tutuusin, malaki ang nakataya kung hindi mauunawaan ng mga tao ang mga impormasyong ipinaparating ng mga flyers at iba pang dokumento sa bangko lalo na’t pera ang pinag-uusapan dito. Sa halip, sa ilang pagkakataon pa nga ay nagdudulot ito ng pagkalito sa mga mambabasa. (Isinulat ni: Sophia Olalia)
Kung tutuusin, malaki ang nakataya kung hindi mauunawaan ng mga tao ang mga impormasyong ipinaparating ng mga flyers at iba pang dokumento sa bangko lalo na’t pera ang pinag-uusapan dito. Sa halip, sa ilang pagkakataon pa nga ay nagdudulot ito ng pagkalito sa mga mambabasa.
Matapos matalakay sa mga
naunang talata ang naging pakikipanayam namin sa ilang indibidwal, talagang
masasabi na ang suliraning ito ay nagaganap sa ating lipunan. Masasabing hindi
pa intelektuwalisado ang paggamit ng wikang Filipino sa industriya ng
pagbabangko sapagkat Ingles pa rin ang natataning wikang ginagamit sa mga materyal nitong may layong magbigay ng
kaalaman. At dahil nga dito, maraming mga rejister na nagagamit ang hindi gaanong
nauunawaan ng mga Pilipino. Ang halimbawa nga ng mga ito ay ang mga salitang
“compound interest”, “periodically”, “compounded semi-annually”, at
marami pang iba na tungkol sa pagbubukas ng bank account o pagproseso ng
loan o pag-utang sa bangko.
Kinakailangan natin itong bigyan ng pansin at solusyon upang maturuan ang mga Pilipino sa pag-poproseso ng kanilang mga transaksyon sa mga bangko. Ito rin ay upang maiwasan na ang pagkakaroon pa ng mga hindi inaasahang problema na dulot lamang ng simpleng hindi pagka-unawa sa impormasyon o mga panuto. Kung maaagapan ang suliraning ito, magiging intelektuwalisado ang mga Pilipino sa pagpapa-ikot ng pera gamit ang bangko at makakatulong pa ito sa ating ekonomiya. Dagdag pa, mas matututo ang mga Pilipino na mag-impok ng pera o manghiram upang makapagpatayo nang sarili nilang negosyo kung sila ay may sapat na kaalaman dito. (Isinulat ni: Justine Kyla Ang at John Paul Lim)

Ayon sa suliranin na aming tinalakay, masasabi namin na napakalaki ng gampanin ng wikang Filipino sa bawat indibidwal lalo na sa mga taong hindi sapat ang kaalaman sa mga tiyak na panuto sa mga transaksyon sa bangko gaya ng patungkol sa pagbubukas ng isang savings account at pag-utang sapagkat ang mga salita ay naka-ayon sa rejister ng wika sa larangan ng pagtutuos at pagbabangko. Kung saan, mababatid nga na maraming Pilipino ang kulang ang kaalaman sa ibang terminolohiya na nasa wikang banyaga na nagreresulta sa miskomunikasyon na nagdudulot nga ng mas malalaki pang suliranin. Kaya naman, masasabi namin na ang wikang Filipino ang talagang maaaring magsilbing tulay upang maunawaan nang mabuti ng mga Pilipino ang mga terminolohiya na hindi sila pamilyar. Sa pamamagitan nito, mas naiintindihan nila kung anong klaseng desisyon ang nararapat nilang gawin.
Samakatuwid, sa isinagawa
naming pakikipagpanayam ay aming natuklusan kung ano nga ba ang mga partikular
na suliranin na hinarap at hinaharap ng isang indibidwal na walang sapat na
kaalaman tungkol sa mga rejister sa larangan ng pagtutuos at pagbabangko. Kung
saan, ito ay hindi binibigyang pansin ng karamihan sapagkat hinahayaan na
lamang ng iba na hindi nila ito maunawaan. At sa paglipas ng panahon ay doon pa
lamang nila malalaman ang kahalagahan nito kapag nagkaroon na ng hindi
kaaya-ayang resulta. Ibig sabihin, ang pagbalewala ng suliranin na ito ay maaaring
magkaroon ng malaking epekto sa buhay ng isang tao. Maaari nga na hindi
pagbabangko ang propesyon ng marami sa atin, ngunit responsibilidad pa rin
natin na malaman at maintindihan ang mga bagay-bagay na tungkol dito. Kung
saan, ang wikang Filipino ang maaaring magsilbing tulay upang makatulong sa
pag-unawa tungkol sa mga rejister na ito. Ngunit, mahalagang maunawaan din
natin na tayo mismo ay kailangang maging intelektuwalisado sa paggamit ng ating
sariling wika upang mas mabuksan ang ating isipan sa mga bagong kaalaman na
ating matututunan.(Isinulat ni: Jose Erwin Esguerra at Kaila Lopez)
Kung tutuusin, parehong grupo ay
apektado ng suliraning ito. Sa parte ng mga bangko, mahihirapan silang
makahikayat ng mas maarami pang kliyente kung hindi naman sila nauunawan ng mga
tao. Para naman sa pananaw ng mga mamamayan na may transaksyon sa mga bangko,
maaari ngang magdulot ito sa kanila ng mga hindi inaasahang dagdag bayarin o
kaltas sa iniimpok na pera.
Kung gayon, may importanteng papel ang wika sa industriya ng pagbabangko. Kung ito ay lubos na nauunawaan, maraming mas ma-eengganyo na magpatakbo ng kanilang pera sa mga bangko.
Dahil dito, masasabi kayang kaya hindi na gaanong tinatangkilik ng mga
Pilipino ang mga flyers o brochures man na makukuha sa mga bangko
ay sapagkat nawawalan na sila ng interes basahin ito dahil hindi rin naman nila
ito gaanong nauunawaan at hindi natutugunan ang kanilang pangangailangan?
Mga Sanggunian:
Baño, A. M., Egrubay, K., & Macuha, G. R.
(2015, September 3). Pagpasok ng WIkang Filipino sa Mundo ng Komersyo [Web log
post]. Retrieved October 22, 2018, from
https://adwikasakomersyo.wordpress.com/2015/09/03/hello-world/
Comments
Post a Comment